𝗗𝗧𝗜 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗧𝗔𝗞𝗘𝗛𝗢𝗟𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗢𝗟𝗜𝗖𝗜𝗧

Nagbigay babala ang hanay ng Department of Trade and Industry Region 1 sa mga tourism stakeholders kaugnay sa mga posibleng tumatawag at nagsosolicit at gamit ang pangalan ng ahensya kahit hindi naman empleyado o kasapi.

Ito ay matapos na makatanggap ang tanggapan ng DTI R1 ng ilang reports ukol sa mga nagpapakilalang empleyado ng departamento at tumatawag umano para humingi ng donasyon na gagamitin sa mga proyekto, events at programa.

Binigyan linaw ng ahensya na hindi maaari o hindi awtorisado ang mga departments at regional offices para magsolicit o humingi ng donasyon sa kahit ano pang kadahilanan.

Nakasaad din ito sa batas at kung sino man ang lalabag ay haharap sa Republic Act No. 6173 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Dagdag ng DTI R1 na kung maaari ay huwag na lamang sagutin o di kaya ay magkaroon ng transaksyon sa mga magpapanggap na empleyado ng departamento para humingi ng donasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments