Patuloy na ang konstruksyon at pagsasagawa ng Dumuloc Small Reservoir Irrigation sa Brgy. Kayanga Bugallon na siyang proyekto ng NIA Pangasinan.
Ayon kay Division Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office Engr. John Molano, ang pagpapatibay sa konstruksyon ng naturang earthfill dam lalo na ang pundasyon nito ang tinututukan nila nang sa gayon ay walang mangyaring aberya o leakage sa oras na matapos na ito at tuluyan nang mapakinabangan ng mga magsasaka.
Zoned earthfill ang disenyo ng isinasagawang dam kung saan may ungated ogee-type spillway at diversion conduit na disenyo na siyang may posibilidad na makapagbigay rin ng potential hydropower sa pagdaan ng panahon.
Mapapakinabangan ng nasa siyam na barangay na may 1,484 na mga magsasakang benepisyaryo ang naturang dam sa oras na ito’y matapos at makapag-ipon na ng sapat na patubig para sa mga taniman o lupang sinasaka.
Inaasahan naman na matatapos ang naturang konstruksyon ng Dumuloc Small Reservoir Irrigation Project sa April 19, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨