
β
βCauayan City – Isang malaking karangalan ang dinala ng lalawigan ng Isabela matapos magwagi si David III U. Padua bilang 1st Runner Up sa Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) Final Round 2025β2026.
β
βAng prestihiyosong kompetisyon ay ginanap sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 7β8, 2026.
β
βSi Padua ay nag-aaral sa St. Dominic Human Development Center sa bayan ng Echague, Isabela, at nakamit din niya ang Gintong Parangal sa kategoryang **Senior Secondary, kung saan dalawampung (20) mag-aaral mula sa ibaβt ibang bansa ang lumahok.
β
βSamantala, itinanghal na kampeon sa parehong kategorya si Josh Evan David Disu mula sa Quezon City Science High School, habang ang 1st Runner Up sa Secondary 3 ay si Jose Leon Lorenzo Juliano ng Learning Links Academy.
β
βAng tagumpay na ito ni Padua ay patunay ng kahusayan ng kabataang Isabelino at nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral ng Lambak ng Cagayan na mangarap at magtagumpay sa internasyonal na larangan.
Β
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
Facebook Comments










