𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa pamamagitan ng Municipal Health Office ang “Bakuna Eskwela” sa labing isang pampublikong paaralan sa bayan ng Tumauini.

Kabilang sa mga elementary schools na nabigyan ng bakuna ay ang mga mag-aaral mula sa Lallauanan-Sto. Niño, Sta. Catalina, Lanna, Ugad, Arcon-Maligaya, Balug, Namnama, Antagan 2nd, Tumauini South Central, San Mateo, at Tumauini West Central.

Kabilang sa mga mababakunahan ng Measles Rubella at Tetanus Diphtheria ay ang Grade 1 hanggang Grade 7 habang Human PapillomaVirus vaccine naman ang ika-4 na baitang na mga babae.


Layunin ng aktibidad na bigyang proteksyon ang mga mag-aaral laban sa Vaccine Preventable Diseases(VPDs).

Facebook Comments