Inaasahan pa ang paglala ng El Niño phenomenon sa lalawigan ng Pangasinan nitong unang kwarter ng taon, partikular na ang peak nito sa buwan ng Marso at Abril, ayon sa PAG-ASA.
Ayon naman sa National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan, sa mga ganitong buwan karaniwang nararamdaman na ang pagbaba ng lebel ng tubig sa San Roque Dam, na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa mga irigasyon, kaya’t pahirapan na ang pagsuplay nito ng tubig sa ilang mga sakahan.
Samantala, anim na bayan ang kanilang tinututuka, ito ang mga bayan ng Calasiao, Malasiqui, Sta. Barbara, Mangaldan, Rosales at Sto. Tomas. Sa ngayon, nakaantabay ang NIA sa pagpapalawig ng impormasyon sa mga magsasaka upang makapaghanda sila sa mas malalang epekto ng El Niño sa lalawigan.
Dagdag pa, bubuo o irereactivate na ng nasyonal na gobyerno ang Task Force El Niño nang matagunan ang mga posibleng epekto nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨