𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗬𝗢, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad ang isang kawani ng LGU Sta. Barbara.

Ang suspek ay isang 22 anyos na lalaki na kumagat sa operasyon ng awtoridad at nahulihan ng 2.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000, kalakip ang boodle money.

Pasado 12:30 ng hating gabi nang isagawa ang buy bust operation upang mahuli ang itinuturing na High Value Target na empleyado.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments