𝗘𝗡𝗧𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗡𝗘𝗨𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗪𝗔

Inihatid ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 ang programang mas makakatulong sa dating mga OFW ng lungsod ng Dagupan.

Layunin ng programang Entrepreneurship Development Training ng ahensya ay upang mabigyan ng kaalaman ang mga OFW sa usaping pagnenegosyo matapos silang hindi na bumalik sa ibang bansa upang magtrabaho.

Matagumpay na sumailalim ang kabuuang 23 na mga OFW sa pagsasanay ng ahensya kung saan ang mga ito ay matatandaang mga distressed OFW na napauwi dahil sa pandemya.

Maliban sa pagsasanay na ito, bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng iba pang tulong gaya ng pangkabuhayan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments