Binigyang diin sa isinagawang Symposium/Orientation ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang ukol sa pagkakaroon ng kaalaman sa sakit na Monkeypox o MPOX.
Ayon kay Disease Surveillance Officer Jerome Amores, binigyang diin nito na importanteng may sapat na impormasyon nang sa gayon ay magkaroon ng epektibong tugon sa sakit.
Buo naman ang suporta ng lokal na pamahalaan para sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng oryentasyon.
Makakatulong ang mga aktibidad na ito pagdating sa pagiging maalam sa mga nagsusulputang sakit upang agarang maiwasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments