𝗘𝗥𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗔𝗭𝗜𝗟, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞; 𝟲𝟭 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Maituturing bilang ‘horror scene’ ang nasaksihan ng mga residente sa isang eroplano na 61 beses munang nagpaikot-ikot sa himpapawid bago tuluyang bumagsak.

Sinabi ng regional carrier na Voepass na ang eroplano ay patungo sa international airport ng Sao Paulo. Lumipad ito mula sa Cascavel, sa estado ng Parana, at bumagsak bandang 1:30 ng hapon sa bayan ng Vinhedo, nasa 80 km hilagang-kanluran ng Sao Paulo.

Ang nasabing trahedya ang kumitil sa 61 sakay nito.


Sa ulat, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ang airplane crash sa Brazil dahil noong taong 2007, 199 na katao ang namatay sa isang flight na pinamamahalaan ng TAM na kalunan ay sumali sa LAM upang maging LATAM Airline na ngayon.

Facebook Comments