𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝟯𝟱𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗨𝗡𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗦𝗤𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡

Sumaklolo sa awtoridad 55 anyos na negosyante at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion, Mapandan na si Abdul Wahab Guro matapos umanong nakawin ang labindalawang unit ng binebentang cellphone sa loob ng mosque.

Humigit kumulang PHP 35, 000 ang tinatayang kabuuang halaga ng mga tinangay na cellphone units.

Kalaunan, sa tulong ng CCTV footage kung saan makikitang pumasok sa nakabukas na pinto ng Mosque ay naaresto ang suspek na kinilalang si Michael Austria, 19 anyos at residente sa nasabing lugar.

Kinilala at kinompirma naman ng pamunuan ng barangay ang suspek. Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso na haharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments