𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗣 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘

Sugatan ang isang estudyante matapos aksidenteng mahagip ng humaharurot na tricycle sa McArthur Highway, Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Jenaster Abucay, 18 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Binalonan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa kalsada nang mahagip siya ng tricycle driver na si Aldrin Sarmiento, 33 anyos, residente sa bayan ng Sison.

Tumilapon ang biktima at sumalpok pa ang tricycle sa poste.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na positibo ang tricycle driver sa alcohol breath test. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments