𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗗𝗘𝗥

Cauayan City – Hindi nakaligtas sa kamay ng kamatayan ang isang estudyante matapos sumalpok sa poste ng pader ang sinasakyan nitong motorsiklo, pasado alas-tres ng madaling araw ngayong ika-29 ng Mayo.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang biktima ay kinilalang si Marlon Valenzuela Jr., 20-anyos, at residente ng Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Cauayan City PS, bago mangyari ang insidente ay binabaybay ng biktima ang daan patungo sa direksyon ng Reina Mercedes, Isabela.


Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, aksidente sumemplang sa gutter ng kalsada ang motor nito at kasunod ay sumalpok naman sa poste ng pader ng isang establishimiyento.

Dahil sa tindi ng pagkakasalpok, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima kaya’t kaagad itong isinugod sa pagamutan ngunit idineklara itong Dead on Arrival.

Facebook Comments