
Cauayan City – Inilunsad ng European Union (EU) ang pormal na imbestigasyon laban sa Shein, isang global e-commerce platform, dahil sa posibleng paglabag sa digital law.
Ayon sa European Commission, susuriin nila ang mga sistema ng kumpanya upang pigilan ang ilegal na produkto at kung paano nito pinapakita ang mga produkto sa mga mamimili.
Kasama sa imbestigasyon ang tinatawag na “addictive design” ng platform ng Shein at ang transparency ng algorithm nito sa pagrekomenda ng produkto sa mga gumagamit.
Noong nakaraang taon, iniulat sa French authorities ang Shein sa pagbebenta ng childlike sex dolls, na agad nitong tinanggal at ipinatigil ang mga nagbebenta sa kanilang global website.
Ayon sa EC, susuriin din ang iba pang posibleng ilegal na produkto, kabilang ang armas, at ang paggamit ng online platform algorithms na kadalasang hindi malinaw at maaaring magkaroon ng systemic risks sa mga gumagamit, kaya’t mahalagang imbestigahan ito.
Binanggit ng EC na mahalaga ang malinaw na transparency sa mga recommender system upang protektahan ang mga mamimili.
Sa pahayag ng Shein, sinabi nilang patuloy silang nag-iimbestiga sa pag-aayos ng kanilang compliance sa Digital Services Act, kabilang ang proteksyon ng mga bata at safe user experience.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










