𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔

Siniguro ng Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Council at Public Alert Response and Monitoring Center na nakahanda na ang evacuation centers, rescue vehicles at water assets ng lungsod sakaling lubos na maapektuhan ng bagyo ang mga Dagupeños.

Ayon sa Pamahalaang Panglungsod, activated ang emergency response units kabilang ang PNP, BFP, Maritime at ilan pang departamento na tututok sa kaligtasan sa bawat barangay.

Inatasan na rin ang bawat barangay council sa pagmomonitor ng lebel ng tubig baha upang isangguni sa mga ahensya ang mga kinakailangang tulong ng mga maapektuhang residente.

Tinututukan din ang lebel ng tubig ng Sinocalan River na maaring makaapekto sa pagtaas ng tubig baha sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments