May bahagyang paggalaw sa farmgate price ng ilan sa mga lowland vegetables ngayon sa buong rehiyon uno kung saan may mga tumaas ang kada kilo.
Ayon sa inilabas na data ng Department of Agriculture Ilocos Region para sa buwan ng December 18-22, 2023, bahagyang tumaas ng 20%-25% ang presyo ng ilan sa mga lowland vegetables tulad ng sitaw, kalabasa, at talong.
Bumaba naman ang presyo ng pechay sa mga ibinabagsak sa pamilihan sa rehiyon kung saan naglalaro sa 15 hanggang 40 pesos ang kada kilo nito.
Nananatili naman ang presyo ng ilan pa sa mga lowland vegetables tulad ng ampalaya na nasa ₱40 ang bentahan sa Pangasinan, kamatis na nasa ₱15 kada kilo at okra na nasa ₱30 ang kada kilo.
Sa ngayon, kaya pa umano ng ilang vegetable retailer ang ganitong presyuhan ng mga produktong gulay at umaasang mananatili na lamang presyo ng mga ito hanggang sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨