𝗙𝗔𝗥𝗠𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Nagkaroon ng bahagyang paggalaw sa farmgate price ng ilan sa mga piling gulay na inalalako ngayon sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa updated data ng Department of Agriculture Ilocos Region.

Sa inilabas na datos ng Department of Agriculture Ilocos Region, nagkaroon ng paggalaw sa farmgate price per kilo ng ilan sa mga gulay tulad ng sitaw, talong at maging ng kalabasa.

Mula noong December 25-29, 2023, ang farmgate price per kilo ng ampalaya ay nasa ₱45, ang sitaw, pechay na native, at kalabasa ay nasa ₱30 per kilo.

Habang ang talong naman ay nasa ₱55 ang per kilo, tumaas ng limang piso ang okra na nasa ₱35 per kilo, at kamatis na nasa tumaas rin ng limang piso kumpara noong nakaraan kung saan nasa ₱20 ang per kilo.

Sa ngayon, maayos pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan at palengke sa lungsod ng Dagupan at patuloy pa rin umanong tinatangkilik ng mga konsyumer bilang mas nakakatipid ang mga ito sa mga bentang gulay ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments