𝗙𝗔𝗥𝗠𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗙𝗜𝗦𝗛𝗘𝗥𝗬 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Nakitaan ng bahagyang paggalaw sa farmgate price ang ilan sa agri-fishery commodities sa lalawigan kung saan may pagtaas sa presyo ng gulay.

Tumaas ng ₱5 hanggang ₱15 ang farmgate price ng ilan sa mga nabibiling gulay kumpara noong unang linggo ng January.

Sa status update ng Department of Agriculture Ilocos Region mula January 8-12, 2024, tumaas ang farmgate price per kilo ng gulay na ampalaya, sitaw, kalabasa, talong, at okra.

Mula sa ₱40, nasa ₱50 per kilo na ngayon ang farmgate price para sa ampalaya, ₱45 naman para sa sitaw, ₱35 sa kalabasa, talong na nasa ₱60 per kilo na, at okra na nasa ₱55 per kilo kung saan ₱15 ang itinaas.

Samantala, ang ilang pangunahing isdang binibili naman sa lalawigan ay na nananatili ang mga preso kung saan nasa ₱140 per kilo pa rin ang kuha sa produktong bangus habang ₱100 per kilo naman ang kuha sa produktong tilapia. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments