Bahagyang bumaba ang farmgate price ng produktong bangus sa Pangasinan ngayon linggo.
Nasa sampung piso ang ibinaba sa farmgate price nitong linggo, ayon sa inilabas na updated data ng Department of Agriculture Ilocos Region para sa selected Agri fishery commodities.
Mula sa ₱180 per kilo nitong kuha noong nakaraang linggo ay nasa ₱170 na ang kuha ngayon habang ang produktong tilapia naman ay nananatili pa rin ang farmgate price kung saan nasa ₱120 per kilo.
Sa ibang kalapit probinsya gaya ng La Union, mababa rin ang farmgate price nito kung saan naglalaro ang presyo sa ₱160 per kilo.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng mga bangus growers ang kanilang mga alagang bangus para sa inaasahang dagsa ng mga bibili para sa kapistahan ng Bangus sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨