𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡

CAUAYAN CITY- Namahagi ng tulong pinansiyal ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon sa pangunguna ni Municipal Mayor Jimmy Gamazon kasama ang Municipal Social Welfare and Development sa mga residenteng apektado ng baha sa Brgy. Barucboc.

Ang naturang barangay ay maituturing na low lying area kung saan personal itong binisita ng LGU Quezon kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at PNP.

Sa kanilang pagbisita ay sinuri ang mga sinira ng bagyo at siniguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.


Ang naturang financial assistance ay isang hakbang ng LGU Quezon upang matulungan na makarekober ang mga residenteng apektado ng bagyo.

Facebook Comments