𝗙𝗜𝗥𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟱

Cauayan City – Umakyat na sa 15 ang naitalang kaso ng pinsalang dulot ng paputok sa buong Region 2, base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Cagayan Valley mula sa iba’t ibang sentinel sites sa rehiyon.
Batay sa datos, kalalakihan na may edad 10 hanggang 27 taong gulang ang karamihan sa mga biktima.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), apat sa mga nasugatan ay biktima ng whistle bomb, isa sa mga paputok na itinuturing na lubhang mapanganib.
Dahil dito, muling nagpaalala ang DOH na mapanganib ang lahat ng uri ng paputok, ilegal man o legal.
Patuloy ang kanilang panawagan sa publiko, lalo na sa mga magulang, na bantayang mabuti ang mga bata at iwasan ang paggamit ng paputok upang maiwasan ang malulubhang pinsala ngayong nalalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Facebook Comments