𝗙𝗜𝗩𝗘-𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗚𝗨𝗠𝗨𝗛𝗢

CAUAYAN CITY – Apat na katao ang naiulat ng Chinese state media na namatay dahil sa pagbagsak ng isang gusali sa eastern province ng Anhui.

Isang five-story residential building ang bumagsak na nagresulta ng ilang oras na pagsasagawa ng search and rescue operation ng mga awtoridad.

Sa ginanap na operasyon, isang 12 anyos na babae ang kanilang natagpuan na dinala agad sa pagamutan upang mabigyan ng emergency treatment.


Wala pang inilalabas kung ano ang naging dahilan ng pagguho ng gusali, subalit nakaranas ang nabanggit na lugar ng ilang araw na malalakas na ulan na nag-sanhi ng pagbaha.

Facebook Comments