𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Mababawasan na umano ang pagbaha sa mga lupang sakahan at residential areas sa ilang barangay sa Bayambang na sakop ng Agno River dahil sa natapos na konstruksyon ng flood control project ng Department of Public Works and Highways Region 1.

Ang mga barangay ng Bongato West, San Vicente at Caturay ay binabaha tuwing umaapaw ang ilog at nakakaapekto sa mga residente at magsasaka sa bayan.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 38 milyon na pinondohan mula sa General Appropriation Act of 2024.

Nagsimula ang konstruksyon ng naturang istruktura noong Mayo ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments