𝗙𝗒𝗒𝗗 π—Ÿπ—”π—‘π—˜ 𝗔𝗖𝗖π—₯π—˜π——π—œπ—§π—˜π—— 𝗧π—₯π—¨π—–π—žπ—¦ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—£π—œπ—§π—¨π— π—£π—¨’𝗧 π—§π—”π—§π—Ÿπ—’ 𝗑𝗔

Umabot na sa pitumpu’t tatlo (73) ang mga food lane accredited trucks sa buong rehiyon uno ayon sa tanggapan ng Department of Agriculture.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Region 1, pagmamay-ari ang mga food lane accredited truck ng grupo, asosasyon at negosyo sa rehiyon kung saan pinakamarami sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang pagbibigay o pagkakaloob ng food lane accreditation sa mga truck ay ginagamit sa paghahatid ng mga iba’t-ibang agricultural commodities papunta sa Metro Manila at iba pang demand center sa bansa.

Layon din ng programang ito na matiyak ang mabilis na paghahatid ng mga agri-fishery commodities pati upang mabawas sa gastos pagdating sa transportasyon at post-harvest loss. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments