𝗙𝗒𝗒𝗗 𝗦𝗧π—₯π—œπ—£ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—¨π—‘π—§π—œ-π—¨π—‘π—§π—œ π—‘π—”π—‘π—š π——π—œπ—‘π—”π——π—”π—šπ—¦π—”

Unti-unti nang dinadagsa ang food strip sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City matapos ito muling buksan.

Bahagi ang pagbabalik ng food strip sa selebrasyon ng Bangus Festival sa lungsod.

Ala sais ng gabi nag-uumpisa ang pagdami ng mga kostumer na dumadayo sa naturang food strip at karamihan dito ay mga estudyante galing sa klase.

Ayon sa mga may-ari ng stalls, ibayong pag-iingat na lamang ang mga kostumer sa kanilang mga kagamitan dahil hindi maiiwasan ang mga kawatan tulad ng mga snatcher at mga nambubudol.

Samantala, kasabay nito ay ang pagbabalik Din ng baratilyo kung saan unti-unti na ring dinarayo ng mga DagupeΓ±o lalo ng mga kabataan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments