Isinagawa sa apat na barangay sa bayan ng Bani Pangasinan ang forced Evacuation sa mga residenteng hindi pa nagpalikas matapos bayuhin ng bagyong Kristine ang Bayan.
Sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin kagabi, ilang mga residente ang nagpost sa social media na humingi ng tulong upang ma- rescue.
Nasa apat na barangay na kinabibilangan ng Banog Norte, Quinaoayanan Zone 2, Poblacion Zone 7, at Ambabaay nagmula ang mga narescueng residente.
Ilang daan din ang naiulat na hindi madaanan dahil sa mga nagtumbahang puno kaninang madaling araw ngunit agad naman na isinagawa ang clearing operations. Samantala, hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments