Monday, March 23, 2026

𝗙𝗢𝗥𝗘𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗪𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟯 𝗧𝗛𝗢𝗨𝗦𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗛𝗘𝗖𝗧𝗔𝗥𝗘𝗦

CAUAYAN CITY – Lumawak ang Forest cover sa Isabela ng mahigit 23,000 ektarya habang tumaas rin ang lawak ng closed forests sa lalawigan nitong 2025, isang indikasyon ng patuloy na pagbuti ng kalagayan ng kagubatan.

Batay sa datos ng DENT Forest Management Bureau (FMB) at national mapping and Resource Information Authority, nadagdagan ang forest cover sa Isabela ng 23,582 hectares mula 2010 hanggang 2025.

Malaki rin ang itinaas ng lawak ng closed forests mula 101,907 hectares noong 2020 hanggang 322,628 hectares sa 2025, na nagpapakita ng tuloy-tuloy na rehabilitasyon at pangangalaga sa kagubatan.

Sa pag-aaral ng FMB noong 2020, pumangalawa ang Isabela sa mga lalawigan sa bansa na may pinakamalawak na Forest Cover na halos 408,000 hectares, kasunod ng palawan, habang pangatlo naman ang cagayan.

Kaugnay nito, nagtipon ang Provincial Environment and law enforcement council sa tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa Lungsod ng Ilagan upang pagtibayin ang koordinasyon ng mga ahensya at katuwang sa pangangalaga ng kalikasan.

Tinalakay rito ang mga programa, proyekto, at mga nakamit sa unang kwarter ng 2026, kabilang ang mga ulat at planong hakbang ng iba’t ibang ahensya upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

————————-

Facebook Comments