Bahagyang tumaas ang presyo kabaong at funeral services sa Pangasinan dahil sa pagtaas ng mga bilihin.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang funeral parlors sa lalawigan, pinakamababa na ang P30,000 package na maaaring kunin ng mga naulilang pamilya kabilang dito ang pag-embalsamo, lamesa at upuan at simpleng flower arrangement.
Maari umanong abutin ng P200, 000 ang presyo ng funeral service depende sa klase ng imported casket tulad ng metal, hard wood at wooden caskets.
Ilan umano sa dahilan ng pagtaas nito ay ang malaking dagdag sa presyo ng bulaklak na aabot umano sa P70 kada bundle.
Sa kabila nito, dinadaanan na lamang umano sa kalidad ng serbisyo ang mahigpit na kompetisyon ng mga funeral parlors sa Pangasinan upang mabawi ang puhunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨