Binuksan ang isang literary writing contest para sa mga Ilocano at Pangasinan na manunulat bilang pagkilala kay Anacbabua 2001 National Artist for Literature F. Sionil Jose.
Daan ang naturang kompetisyon upang ipakita ang galing ng mga manunulat sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang Mother Tongue na Ilocano at Pangasinan.
Tatanggapin ang naturang entries mapa tula man, maikling kwento, kwentong pambata, at essay ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office
Iaanunsyo ang magwawagi sa mismong centennial birthday ni F. Sionil Jose sa darating na December 3, 2024.
Layunin din nito na mapayabong ang literatura sa pamamagitan ng lenguaheng Pangasinan at Ilocano. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments