𝗚𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗥𝟭

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology o DICT Region 1 ang patuloy na pagpapalawig ng kanilang programa para sa mga residente sa Region I.

Sa ilalim ng Free Public Internet Access Program, umabot na sa mahigit dalawang libo ang nakikinabang sa free wifi sa mula sa nakalipas na dalawang taon sa rehiyon

Taong 2022, na-install ang nasa 148 free wifi’s sa 69 public places, 1, 129 wifis sa 466 pampublikong lugar noong taong 2023 habang ngayong taon, mayroon ng 998 sa 280 public places.

Pangunahing tinututukan ang mga nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.

Samantala, tiniyak ng pamunuan na aasahan ang karagdagang pang libreng koneksyon sa Ilocos Region hanggang sa pagtatapos ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments