𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang Isang ginang na kasama sa nga listahan ng high value target matapos ang ikinasang buy bust operation sa San Carlos City.

Ang suspek ay nakilalang si Gemalyn Bermejo residente ng bayan ng Malasiqui.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas otso ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng tatlumpu’t apat na libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments