𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Patay na ng matagpuan ang Iiang singkwenta y siyete anyos na lalaki matapos itong malunod nang tumalon sa ilog ng lasing sa bayan ng Bugallon.

Ang biktima ay nakilalang si Ricky Caoile residente ng Brgy. Samat sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon binisita ng biktima ang kanyang kaibigan at nag-inuman sila at habang umiinom ay nakwento nito ang problema sa kanyang pamilya.

Walang ano-ano ay tumalon sa malalim na bahagi ang biktima at bigong makita.

Dito na humingi ng tulong ang kaibigan nito na hanapin ang katawan ng biktima bagamat bangkay na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments