𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗬 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔 𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗡𝗜𝗧𝗢

Patay ang isang singkwenta anyos na ginang, matapos itong saksakin ng sinasabing dating ka live-in partner nito, sa bayan ng Mangaldan.

Sa pahayag ni Mangaldan Councilor Aldrin Soriano kinumpirma ng PNP Mangaldan na namatay na ang biktima na nakilalang si Lisa Abrio residente ng Barangay Bantayan sa nasabing bayan.

Ayon sa report, nakilala ng mga saksi sa insidente ang suspek na dating ka live-in partner ng biktima kung saan ay nasa inuman ang dalawa nang magtalo ang mga ito at dito na sinaksak ng suspek ang ginang kanyang tagiliran.

Dahil wala umanong mahingian ng tulong kung kaya nagawa pang mag-motor ng biktima papuntang highway.

Ayon pa sa imbestigasyon, lagi umanong nag-aaway ang dalawa dahil sa selos na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments