𝗚𝗜𝗥𝗟 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗜, 𝗠𝗔𝗚-𝗖𝗘𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟯𝗥𝗗 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬

CAUAYAN CITY – Magandang balita para sa mga Blooms ang hatid ng P-pop girl group na BINI.

Ito ay matapos nilang ianunsyo ang kanilang nakatakdang “National Happy BINI Day” para i-celebrate ang kanilang 3rd anniversary.

Nabuo ang BINI noong taong 2019 sa pamamagitan ng ABS-CBN’s Star Hunt Academy at noong June 11, 2021 ay ang kanilang official debut.


Ang pangalan ng kanilang grupong BINI ay mula sa salitang “binibini” na ang ibig sabihin ay “young lady”.

Binubuo ang grupo ng 8 members kabilang sina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena.

Ilan sa kanilang kanta ay ang ” Pantropiko “, “Salamin, Salamin”, at “Karera”.
Gaganapin ang nasabing BINI Day sa June 11, 2024 sa One Ayala, Makati.

Facebook Comments