Thursday, February 5, 2026

β€Žβ€œπ—šπ—’π—Ÿπ——π—˜π—‘β€ π—‘π—š π—žπ—£π—’π—£ π——π—˜π— π—’π—‘ π—›π—¨π—‘π—§π—˜π—₯𝗦, π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—’ 𝗦𝗔 π—šπ—₯𝗔𝗠𝗠𝗬

β€ŽCauayan City – Muling umani ng atensyon sa mundo ng showbiz ang K-pop matapos magwagi ng Grammy Award ang kantang β€œGolden” mula sa pelikulang KPop Demon Hunters.
β€Ž
β€ŽIto ang kauna-unahang K-pop song na nagkamit ng parangal sa Grammy, bagay na agad naging usap-usapan sa international entertainment scene.
β€Ž
β€ŽInawit ng fictional group na Huntr/x, tinanghal ang kanta bilang Best Song for Visual Media sa ginanap na awards night sa Los Angeles at nominado rin ito sa Song of the Year.
β€Ž
β€ŽMatapos ilabas noong Hunyo, naging pinaka-pinapanood sa Netflix ang KPop Demon Hunters na may higit 480 million views.
β€Ž
β€ŽNanguna rin sa Billboard charts ang soundtrack, patunay ng patuloy na paglawak ng impluwensiya ng K-pop sa global showbiz industry.

Facebook Comments