Pinaigting pa ang kampanya ng Goodbye Basura sa lungsod ng Dagupan para sa layunin na mawakasan na ang matagal nang problema sa basura ng mga Dagupeño.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, kakatapos lang din isagawa ang paglilinis sa kailugan ng lungsod bukod sa pagpapaalala sa mga residente sa tungkuling i-segregate ng maayos ang mga basura upang kolektahin ng Waste management.
Dagdag pa nito na may dumating ring tulong mula sa ilang senador at partylist kung saan magiging pondo sa programang TUPAD at kanila itong gagamitin sa paglilinis ng kailugan at pagtatanim ng coconut trees.
Sa kasalukuyan, tuloy ang pagsulong ng lokal na gobyerno sa kampanya sa malinis na kapaligiran at nakapagbigay rin sa bawat barangay ng garong na makatutulong sa pagmomonitor sa mga kabahayan sa maayos na segregation ng mga basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨