Popondohan ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang labing apat na government health facilities sa Pangasinan para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.
Ito ay matapos lumagda sa isang kasunduan ang DOH-CHD1 at Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan ang mga pasyente sa kanilang pampa ospital at medical support para sa mga indigent at financially incapacitated patient.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, tinatayang aabot sa P2 milyon na tulong pinansyal ang ipagkakaloob sa bawat government-run hospital ngunit inaasahang mas malaking halaga ang ilalaan sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) na siyang tertiary hospital sa lalawigan.
Noong nakaraang taon nasa 384 million ang natanggap ng lalawigan para sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨