Wednesday, January 28, 2026

β€Žπ—šπ—’π—©π—˜π—₯𝗑𝗒π—₯ 𝗖𝗨𝗔, 𝗑𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ 𝗑𝗔 π—£π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—šπ—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—žπ—¨π—‘π—” π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π— π—˜π—”π—¦π—Ÿπ—˜π—¦ 𝗔𝗧 π—₯π—¨π—•π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—” β€Ž

β€ŽCauayan City – Muling nanawagan si Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) President at Quirino Governor Dax Cua sa mga lokal na lider na mas paigtingin ang kampanya upang mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa measles at rubella (MR).
β€Ž
β€ŽAyon sa Department of Health, mahigit 5,000 kaso ng MR ang naitala sa bansa sa loob ng nakaraang taon. Binigyang-diin ni Cua na ang mga sakit na ito ay lubhang nakahahawa at maaaring magdulot ng malubhang karamdaman at kamatayan sa mga bata kung hindi maagapan.
β€Ž
β€ŽNagbabala ang gobernador na kung hindi agad matutugunan ang mababang antas ng pagbabakuna, posibleng muling makaranas ng measles outbreak ang bansa.
β€Ž
β€ŽAniya, magkakaroon ito ng mabigat na epekto hindi lamang sa mga pamilya kundi pati sa pondo ng pamahalaan at sa mga pasilidad pangkalusugan.
β€Ž
β€ŽHinimok ni Cua ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pag-abot sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga health worker upang magbigay ng tamang impormasyon at hikayatin ang publiko na suportahan ang programa ng pagbabakuna.
β€Ž
β€ŽSource: DAX CUA/FB
β€Ž
—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments