Nanawagan si Chief education Supervisor, SGOD DepEd Dagupan City Dr. Edio Abalos na paigtingin ang grassroots sports program sa mga pampublikong paaralan matapos mamayagpag ang mga atletang Pilipino sa international sports competition.
Ayon kay Abalos, mahalaga ang mga programang pampalakas sa mga paaralan dahil dito unang nadidiskubre ang talento ng mga atleta na dapat umanong linangin.
Aniya, kulang ang suporta ng gobyerno sa mga atletang Pilipino.
Hindi umano nakikita ang importansya ng isang atleta bilang isang mabuting mamamayan na nangangailangan nang paghubog sa pisikal, disiplina at moral.
Hiling nito na sana ay madagdagan ang pondo na inilalaan sa mga atleta, para sa kanilang pagsasanay upang mas mamayagpag pa ang galing ng manlalarong Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨