𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗡𝗢𝗣𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mahigpit na nakatutok ang mga punong naitanim sa ilalim ng Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Sa Daang Kalikasan partikular sa Barangay Muelang, Mangatarem, regular na minomonitor ng Office of the Provincial Agriculture (OPAg) ang mga naitanim na 2,500 kasoy at 500 narra.

Ang mga punong ito ay magkakasunod na naitanim noong Hulyo at Agosto noong nakaraang taon.

Base sa monitoring ng field station ng (OPAg) Mangatarem, mula sa kabuuang bilang ng mga naitanim, tinatayang sa 90% ang nabuhay at patuloy na lumalaki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments