Inilunsad ang programang ‘Masayang Gulayan para sa Malusog na Kabataan’ ng Schools Division Office ng San Carlos City kahapon ika-12 ng Setyembre sa Talang Central School.
Sa paglulunsad nito, hindi nagpaawat ang mga mag-aaral dahil ang naka costume ang mga ito ng iba’t-ibang klase ng gulay bilang pagpapaalala sa sustansyang taglay ng gulay.
Ang mga guro, mag-aaral at mga magulang ay nagkapit bisig upang magtanim ng mga gulay sa garden ng naturang paaralan.
Layunin ng Gulayan sa Paaralan na ipamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan at nutrisyon sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.
Hindi lamang ang kasabihang “kung may itanim may aanihin” ang pinatunayan ng mga mag-aaral,guro at magulang ng SDO San Carlos City dahil naniniwala ang mga ito na kung magtutulungan, gutom ay mawawakasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨