Wednesday, January 21, 2026

π—šπ—¨π—₯π—’π—‘π—š 𝗨𝗠𝗔𝗑𝗒’𝗬 𝗑𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗧𝗒𝗦, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

 

Cauayan City β€” Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang guro na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness kahapon, ika-20 ng Enero sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Kinilala ang inarestong suspek na si alias β€œPeter,” 42 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing barangay. Ang operasyon ay pinangunahan ng Quezon Police Station bilang lead unit, katuwang ang iba’t-ibang unit ng PNP.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas noong ika-19 ng Enero 2026 ng Regional Trial Court, Branch 23, Roxas, Isabela.

Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng β‚±180,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan at kalaunan ay dinala sa kustodiya ng Quezon Police Station bago pormal na iharap sa korte.

Facebook Comments