Sinimulan na ng hanay ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng San Fabian ang misting operation matapos makapagtala ng kaso ng dengue sa lugar.
Ayon sa pamunuan ng ng San Fabian MDRRMO, mas mabisa at mas inirerekomenda ang misting operation kaysa sa fogging sapagkat binubulabog lang umano ng panghuli ang mga lamok samantalang direkta naman na tinatamaan ang mga ito sa pamamagitan ng misting.
Dagdag pa rito, taon taon na isinasagawa ng tanggapan ang naturang aktibidad sa mga barangay sa mga ganitong panahon na may panaka-nakang pag-ulan kung kailan nabubulabog ang mga lamok.
Patuloy din ang pagpapaalala ng MDRRMO sa publiko sa kahalagahan ng kalinisan lalo na sa panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments