𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 ₱𝟮𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umaabot sa halos ₱200k halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawa katao sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang mga suspek na isang trenta y uno at Isang singkwentay siyete anyos na pawang mga residente ng Dagupan City ay nahuli sa ikinasang buy bust operation pasado alas nuebe ng gabi sa brgy kwatro.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170k.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek na matagal din umanong minanmanan bago isagawa ang nasabing operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments