𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nakatakdang sumalang ang isang daan at pitumpong mga aspiring Agriculturist sa idadaos na Licensure Examination ngayong buwan.

Sa inilabas na pahayag ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office 1, gaganapin ang eksaminasyon sa darating na November 12 – 14, 2024, na gaganapin sa Tomana Elementary School, Brgy. Tomana East, Rosales, Pangasinan. Inabisuhan ang mga examinees na dalhin ang mga sumusunod: Notice of Admission, No. 2 pencil, black ballpen, metered-stamped window mailing envelope, long brown envelope, at long transparent plastic (non-colored) envelope.

Pinaalalahanan ang mga ito na basahin at alamin ang iba pang impormasyon sa www.prc.gov.ph upang maiwasan ang anumang aberya pagdating sa araw ng pagsusulit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments