Umaabot sa 36.6 milyong pisong halaga ng illegal drugs ang nasabat na ng Ilocos Police Regional Office (PRO-1) sa loob lamang ng Abril.
Ayon kay Lt. Col. Benigno Sumawang, deputy chief ng PRO-1 Regional Community Affairs Development Division, sa loob lamang ng isang buwan, 84,300 marijuana plants, 2,589.58 grams ng dried marijuana leaves, at 2,864.37 gramo ng shabu ang nakumpiska.
Samantala, 106 suspek ang naaresto sa mga isinagawang operasyon laban dito.
Pagsisiguro naman ng PRO1 na walang pagawaan o manufacturer ng droga sa rehiyon. Gayundin, siniguro rin nila ang pagpapaigting mga border checkpoints upang masugpo ang ilegal na droga sa kalakhang Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments