Umabot sa halos walong libong mga estudyante ang naitalang enrollees sa Mangaldan National High School sa pagbubukas nito sa unang araw ng pasukan kahapon.
Ayon kay School Head Principal IV Eduardo Castillo, inaasahan pa ang karagdagang limang daang enrollees dahil nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang pagtanggap ng paaralan sa mga late enrollees.
Isa sa mga malaking paaralan sa buong Region 1 ang Mangaldan National High School.
Bagamat ilang bahagi rin ng paaralan ang binaha ay manageable naman umano ito sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
Nauna nang nagkaroon ng misting operation at pagpuputol ng mga puno sa paaralan upang maiwasan ang posibleng dulot nitong banta sa kaligtasan ng mga estudyante lalo na ngayong nararanasan na ang madalas na mga pag-uulan.
Samantala, tiniyak ng pamunuan ng MangHigh ang kahandaan para sa mga estudyante sa muling pagbubukas ng school year 2024-2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨