π—›π—”π—Ÿπ—’π—¦ 𝟱 π—Ÿπ—œπ—•π—’π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—˜Γ‘π—’, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—•π—œπ—šπ—”π—¦

Cauayan City – Natanggap na ng mga benepisyaryo ng IsabeleΓ±o ang kanilang buwanang ayudang bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga nabahagian ay ang mga IsabeleΓ±ong mula sa Bayan ng San Mariano, Benito Soliven, at Bayan ng Reina Mercedes, Isabela.

Umabot sa 4,992 ang bilang ng mga benepisyaryo na kinabibilangan ng barangay frontliners, mga may kapansanan, TODA members, maging ang ilang mga dating kabilang sa grupo ng mga rebelde.


Ang pamamahagi ng nabanggit na ayuda ay bilang pagtugon sa ipinangako ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na mabigyan ng tulong ang lahat ng mga IsabeleΓ±ong nangangailangan nito.

Facebook Comments