𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟵𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢-𝟭

Nakapagtala ang Police Regional Office 1 ng halos siyamnaraang libong piso (P900, 000) na halaga ng iba’t ibat mga iligal na droga sa rehiyon sa loob lamang ng isang linggong operasyon.
Base sa inilabas na datos ng PRO-1, kabuuang P896, 856 ang halaga ng nakumpiskang pinagsama-samang mga iligal na droga gaya na lamang ng shabu na may 130.92 na gramo ang nasabat at marijuana na may 55 na gramo mula ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-6 ng Disyembre.
Sa datos pa rin, nakapagsagawa ang kapulisan ng PRO-1 ng labintatlong operasyon (13) na nagresulta sa pagkakahuli sa labindalawang naarestong indibidwal.

Sa patuloy na operasyon ng kapulisan gaya na lamang pagbabantay sa iligal na sugal ay nakapagsagawa ang pulisya ng apat na operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa P5, 720 na ginamit sa iligal na sugal.
Naaresto din ng kapulisan ang 51 na Wanted Persons. Nakapagtala rin ang PRO1 ng 4 na surrendered firearms, tatlo ang nag deposito ng baril, pitong baril ang nakumpiska, at dalawa ang recovered.
Naaresto din sa pagpapatuloy ng operasyon ng pulisya ang dalawang kabilang sa Communist Terrorist Group. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments