𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟵 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗣𝗜𝗥𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢

Nasa halos siyam na piso o 9 pesos na ngayon ang pinakamababang presyo ng kada piraso ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Noong nakaraang mga araw lamang, mayroon pang nabibiling nasa pito hanggang otso pesos na kada piraso ng itlog bagamat ngayon ay sumipa na sa halos 9 pesos ang kadalasang makikita na ibinebenta sa mga pamilihan.
Pinakamababa ang 8 pesos and 20 cents per pc ng itlog habang naglalaro naman sa 11 hanggang 12 pesos ang pinakamahal na presyo ng nasabing produkto.

Ayon sa mga egg vendors, tumaas daw talaga ang presyuhan ng itlog ngayon dahil kahit ang itlog maalat na dating nabebenta ng 13 hanggang 15 pesos, ngayon nasa 17 pesos na, at pinakamahal ay naglalaro naman sa 20 hanggang 25 pesos.
Samantala, aminado at inaasahan ng mga manlalako maging mga konsyumer sa lungsod ang tataas pang presyo nito kahit pa sapat umano ang suplay ng itlog lalo na parating ang holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments