π—›π—”π—‘π—šπ—œπ—‘π—š π—›π—”π—•π—”π—šπ—”π—§, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π— π—”π—šπ——π—”π——π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π—£π—”π—š-π—¨π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—­π—’π—‘

Nagpapatuloy ang nararanasang mga pag-uulan sa iba’t-ibang bahagi sa bansa dala ng Southwest Monsoon o Habagat.

Kabilang ang Ilocos Region na kinabibilangan ng Pangasinan ang patuloy na makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms, kasama pa ang Metro Manila, Batanes Islands, Zambales, Bataan, CALABARZON at MIMAROPA.

Pinaalalahanan ang publiko sa mga posibleng nitong maidulot tulad ng pagbaha maging pagguho ng lupa.

Samantala, nito lamang nang ideklara ng PAGASA ang pagpasok rainy/wet season ng panahon ng tag-ulan sa bansa. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments